Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 6 tumama sa Cagayan

0 91

Nasa 6.0 magnitude earthquake ang tumama kahapon sa ilang bahagi ng Cagayan Valley at northern Luzon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naramdaman sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan, may lalim itong 27 km at ang pinagmulan ng pagyanig ay mula sa active fault sa lugar.

Nasa Intensity V na isinalarawan ng Phivolcs na “strong quake” ang naramdaman sa Aparri at Calayan sa Cagayan at Flora sa Apayao.

SM food to go Banner Ad

Intensity IV sa Peñablanca at Tuguegarao City sa Cagayan; Intensity III sa Vigan City at Sinait, Ilocos Sur at Ilagan sa Isabela.

Nagbabala ang Phivolcs sa mga residente na makakaranas ng malalakas na aftershocks kasunod ng nasabing pagyanig. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.