Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno bitin sa umbagan

0 287

TILA nabitin sa inaasam nitong matinding pagsasanay at paghahanda ang Olympic bound na si Irish Magno matapos na mabigo sa kanyang laban sa ginanap na isang araw na Thailand International Boxing Series 7 sa Koh Samui Island sa Thailand

Nabigo ang mga pambato ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa anim sa walong pinaglabanan na kategorya sa ginanap na mini-tournament sa Phetchbuncha Samui Stadium kung saan tanging nakapagtala ng panalo ang Olympic bound din na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

“t’s a one-day tournament served as part of the Olympic-bound Filipino boxers’ training program in Thailand over the weekend. This is also a preparation for the Asian Championships this coming May in India and Hanoi SEA Games in November,” sabi ni ABAP Secretary General Ed Picson.

Nagwagi sa Men’s Flyweight si Paalam kontra Wuttichai Yurachai habang panalo din sa Women’s Featherweight si Petecio na nakasagupa si Porntip Buapa.

Nabigo sa Women’s Flyweight si Magno kontra Jitpong Jutamas gayundin sa Men’s Featherweight si Junmilardo Ogayre kontra Chatchai-Dacha Butdee na isa din Olympic qualifier.

Bigo din sa Men’s Light Welterweight si James Palicte kontra Somchay Wongsuwan pati sa Men’s Welterweight na si Marion PIannar kontra Yeasungnoen Peerapat.

Nakalasap din ng kabiguan sa Women’s Lightweight si Riza Pasuit kontra Olympics bound Sudapon Seesondee at sa Women’s Featherweight na si Aira Villegas na yukod kay Preedakamon Tintabthai. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.