Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno dadayong Thailand

0 57

Umaasa si Tokyo, Japan 32nd Summer Olympic Games 2020-bound Irish Magno na matutuloy ang tinatrabaho ngayon ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson.

Ito ay ang matuloy na two-month training camp niya at ng iba pang Tokyo Olympic hopefuls sa Muaklek, Thailand sa paanyaya ng Thailand Boxing Federation (TBF) noon pang November.

“Siyempre malaking tulong po iyon sa aming boxers, lalo na sa akin,” anang dalaga nitong Linggo na nagsasariling sikap muna sa ngayon sa pagpapakondisyon at ensayo sa sinilangan niyang Iloilo dahil sa Covid-19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.