Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno dangal ng kababaihan

0 186

Tunay na inspirasyon para sa kababaihan ang mensahe ni 32nd Summer Olympic Games 2021 Tokyo-bound boxer Irish Magno.

Ibinahagi ng boksingera ang “Tungo sa Ginto” ng MVP Sports Foundation na hindi batayan ang kasarian sa pag-abot sa mga pangarap.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang importante kung may pangarap ka, maaabot mo ‘yan basta meron kang – yung sinasabi sa amin ni coach na disiplina, sipag, tiyaga, determinasyon at higit sa lahat tiwala sa May Kapal. Matutupad mo lahat ‘yun,” giit ng 27 taong-gulang, 5-2 na taas na dalagang Ilongga.

Pinunto pa niyang, “Wala ‘yon sa kasarian. Yung sinasabi namin, kung ano man ‘yung kaya ng lalaki, kaya din naming mga babae.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.