Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno frontliner ng `Pinas sa Tokyo

0 159

Frontliner!

Ito ang akmang bansag kay Irish Magno na naghahanda sa kasalukuyan para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan (na inurong ng July 2021) kahit nasa laban at kasagsagan ng COVID-19 outbreak.

Bilang isa sa apat na atletang Pinay na mga unang nag-qualify sa quadrennial sportsfest, positibo ang 29-anyos, may taas na 5-2 na Ilongga sa mga posibleng mangyari. Paglipad sa Japan, magbabaon siya ng tiwala para harapin at mapagtagumpayan ang laban sa paglahok sa pinakaprestihiyosong palaro sa mundo.

“Keep a positive attitude lang, be responsible, and maintain physically and emotionally active,” bulalas ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 women’s boxing silver medalist sa panayam ng Abante TONITE Sports kahit pressure siyang bitbitin ang watawat ng bansa.

Pumasok sa Tokyo Olympics ang Pinay boxer na nasa pangangalaga ng Philippine Sports Commission (PSC) at Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), kasunod nang dominanteng panalo kontra sa pambato ng Tajikistan sa Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament 2020 sa Jordan noong Marso.

Bilang kaligtasan ng sambayanan, hiniling din niyang magkaroon na ng epektibong bakuna para sa kanilang mga national athlete.

“Sana po magkaroon na ng lunas itong COVID para maging OK na ang lahat,” hirit niya.

Siniguro naman ni Magno na `fit’ siya o nasa maayos na kondisyon dahil naging panangga rin niya ang pandemya sa pakikipagboksing.

“Okay ako physically and mentally kasi kahit may pandemic tuloy-tuloy pa rin naman ang training,” panapos na wika niya.

Sa ngayon isa si Magno sa nakakulong sa National Olympic bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna sapul noong January 15 para paghandaan at bigyan ng karangalan ang Pilipinas na puntirya ang . (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.