Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno, Gabuco aawra

0 83

Espesyal ang panauhin ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para sa National Women’s Month Celebration kung saan eeksena sina 2020 Tokyo Olympic-bound Irish Magno, 2008 world champion Josie Gabuco, Aira Villegas, at Riza Pasuit para sa Rise Up! Shape Up sa March 6.

Bibida si Magno sa ni-reset na Tokyo Olympics sa July sa special episode ng programa kung saan ibabahagi niya ang tagumpay at target na podium finish sa Summer Games kasama ng kanyang ina.

Ikukwento rin nina Gabuco, 2019 Southeast Asian Games medalists Pasuit (silver) at Villegas (bronze) ang relasyon sa mga ina nila na nagbibigay lakas sa kanila.

“We’ve seen many athletes who dedicate their success to their parents, particularly their mothers. It is very important to recognize that while an athlete’s achievement is his or her own, a part of it is attributable to the support given to him or her by the family,” ani PSC Women in Sports Oversight Commissioner Fatima Celia Kiram. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.