Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno ‘nag-eespiya’

0 48

Hindi lamang pag-eensayo ang pinagkakaabalahan ni Irish Magno kundi pati na rin ang pagtutok sa kanyang mga posibleng makasagupa sa pinakauna niyang pagsabak sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na tuloy na sa July 23-August 8.

Kasalukuyang nasa Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kung saan pilit nitong hinahabol ang lakas at kalidad ng kanyang mga posibleng makalaban sa quadrennial sportsfest na niiliban noong isang taon dahil sa pandemic.

“Alam naman po nila (coaches) kung ano po ‘yung mga dapat kong i-improve,” ani Magno sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour interview nitong Lunes kung saan kanyang ring inaalam ang mga kalaban via internet.

“Libre naman po ‘yung wi-fi dito, anytime puwede kami mag-scout sa kanila. So ‘yun po ang ginagawa ko. Tiningnan ko po kung sino na ‘yung mga nag-qualify na po sa Olympics bukod sa akin.” (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.