Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno ‘nanlimos’ uli sa mga netizen

0 207

Muling humihingi ng suporta si 2020 Tokyo Olympic-bound boxer Irish Magno.

Hindi sa usaping pinansyal mula sa gobyerno kundi sa kanyang pagiging vlogger.

Sa official Facebook account Martes, ‘nanlilimos’ ang tubong Janiuay, Iloilo na i-subscribe siya ng mga fan para dumami ang kanyang viewers.

“Hello po mga idol, pa-subscribe naman po ako sa Youtube Channel ko,” sey ng 29-anyos na boksingera sa kanyang FB post.
Kalakip ng kanyang hirit ang kanyang latest vlog kung saan makikita ang trip niya at kapwa boksingero sa Thailand para sa training camp bubble.

Marso 10 nang lumipad sa nasabing bansa si Magno kasama ng ilang national boxer para paghandaan ang Olympic Qualifying Tournament at quadrennial sportsfest sa July sa Japan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.