Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno papaboksing para sa mga binagyo

0 191

Kagaya ng ilang atleta, aayuda rin sa mga nasalanta ng bagyo si Tokyo 32nd Summer Olympic Games 2020-bound boxer Irish Magno.

Sa kanyang Facebook post Miyerkoles, ibinahagi ng 29-anyos na boksingera ang kaniyang “Boxing Class For A Cause” sa darating na Nobyembre 29 sa Fitstart Gym sa Janiuay, Iloilo na may P100 admission fee.

Lahat ng malilikom sa nasabing boxing class ay ido-donate niya upang makatulong sa mga binagyo.

“How to help Victims of Typhoon Ulysses?? Come and Join our Boxing Class! Magiging Fit kana makakatulong ka pa,” caption pa ni Magno.

Isa siya sa apat na pambato ng bansa sa quadrennial sportsfest na na-reset lang sa Hulyo 2021 dahil sa pandemya . Ang tatlo pa ay sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxer Eumir Felix Marcial. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.