Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno payag sa bakuna

0 47

Hindi takot magpa-iniksiyon si 32nd Summer Olympic Games 2020-bound boxer Irish Magno laban sa mapanganib na Coronavirus Disease 2019.

Ang ikinatatakot lang 29-year-old Ilongga ang magiging side effects ng vaccine, baka maapektuhan aniya ang kanyang ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“Okay po sa akin na magkakaroon kami ng (libreng) vaccine para iwas sa COVID po,” wika Biyernes ni Magno. “Pero nagdadalawang-isip ako sa magiging side effects sa akin.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

May mga balitang hindi maganda ang side effects ng vaccine. Isa ang pamamaga ng braso, pananakit ng katawan at panginginig. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.