Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magno, Petecio sa Thai training camp

0 150

Lumipad na Miyerkoles ng umaga ang national training pool na pinangungunahan nina 2020 Tokyo Olympics-bound Irish Magno at Ulan-Ude 2019 AIBA Women’s World Boxing Championships gold medalist Nesthy Petecio pa-Thailand para sa mahigit na dalawang buwang training camp bubble.

Nabatid kay Association of Boxing Alliances in the Philippines secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson, na nasa biyahe rin si Carlo Paalam na malaki ang posibilidad na mag-qualify rin sa July 23-August 8 Summer Games gaya ni Petecio dahil sa matataas nilang ranking sa International Boxing Association.

SM food to go Banner Ad

Sa Samui Island, Surat Thani Province at Muaklek, Saraburi Province magpapatuloy ng ensayo ang mga Pinoy-Pinay boxer na balak ding sumabak sa Asian Boxing Championships sa New Delhi sa May 21-30. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.