Abante Tonite Interactive

Magnolia bumalikwas, dumikit sa kampeonato

644

Finals Game 6 sa Dis. 19:
(Ynares Center, Antipolo)
7 pm – Alaska vs Magnolia
Hotshots lead series, 3-2

Sa dikdikang laro, ibinato ni Paul Lee ang game winner sa sulok bago natapos ang laro para itulak ang Magnolia sa 79-78 win at 3-1 lead sa PBA Governors’ Cup Finals Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

May apat na araw na ceasefire ang series para bigyang-daan ang Draft bukas, susubukang itaas ng Hotshots ang titulo sa Game 6 sa Dis. 19 sa Ynares Center sa Antipolo.

Mainit na inumpisahan ni Mike Harris ang laro, nagsalansan ng 16 points sa first 12 minutes pero iwan ng bahagya ang Aces, 29-28.

Parehong hindi umiskor sa second ­period sina Harris at Romeo Travis.

Walang naipasok ang Aces import sa dalawang tira, hindi nag-attempt ang counterpart sa Hotshots sa 5 minutes na inilaro.

Sa floater ni Ian Sangalang ay dumistansiya ng 16 ang Magnolia, bago nagsalpak ng 3-pointer si Kevin Racal para idikit nang bahagya ang Alaska sa 53-40 sa halftime.

Inumpisahan ng Aces ang third sa 18-2 run, itinabla ng tutok na tira ni Harris bago inagaw ang lead, 58-55, sa tres ni Racal.

Pagkatapos ilayo ng jumper ni Jeron Teng ang Alaska, 60-55, nagising sina Travis at Jio Jalalon para pangunahan ang panapos sa period na 10-2 blitz at balik sa trangko ang Magnolia, 65-62, papasok ng fourth.

Kumana ng 10 straight points ang Aces, huli ang floater ni Racal para bawiin ang lead, 76-74.