Abante Tonite Interactive

Magnolia may Christmas na

339

sorpresang galaw

Biglaang nagpalit ng import ang Magnolia Pambansang Manok sa bisperas ng pakikipagbakbakan sa TNT mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapik ng Hotshots si dating NBA player Rakeem Christmas kapalit ni James Farr. Pangatlong import ng Magnolia si Christmas sa PBA Commissioner’s Cup pagkatapos nina John Fields at Farr.

Nakasiyam na laro si Farr, talo sa huling tatlo at natengga sa 5-5 ang Hotshots, kabuhol sa 5th-6th ang San Miguel Beer.

Kailangang talunin ng Hotshots ang KaTropa sa final day ng eliminations ngayon para umangat sa No. 5 at maniguro sa best-of-three kontra No. 4 Ginebra sa quarterfinals.

Teammates noong 2014 sa Syracuse sina San Miguel reinforcement Chris McCullogh at Christmas, 27-anyo­s, nakalistang 6-foot-9. Noong 2015 ay 36th pick siya ng Minnesota Timberwolves pero naglaro sa Indiana.

Naka-30 games din siya sa Pacers hanggang 2017.

Huling naglaro si Christmas para sa New Zealand Breakers sa NBL (National Basketball League) sa Australia. (Vladi Eduarte)