Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnolia sibak sa tres ni Wright

0 112

Laro ngayon: (AUF gym)

6:45pm – Meralco vs. SMB

Smart Clark Giga City – Pahirapang itinakas ng Phoenix Super LPG ang ga-buhok na 89-88 panalo kontra Magnolia sa kanilang quarterfinals match para bumiyahe sa semifinals ng PBA Philippine Cup Sabado ng gabi.

Naiiwan ng dalawa, sablay ang dalawang free throws ni Calvin Abueva wala nang isang minuto pero naka-steal sa sumunod na posesyon ng Hotshots.

Mula sa timeout, sablay ang unang jumper ni Matthew Wright pero bumalik sa kanya ang bola, pinakawalan ang runner sa labas ng arc at inagaw ng Fuel Masters ang lead 89-88, 9 seconds na lang.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

‘Yun na ang naging final tally nang kumabyos ang tira ni Paul Lee at dambahin muli ni Abueva ang defensive rebound.

Tumapos si Wright ng 32 points mula 9 of 18 shooting at 5 for 11 sa 3s, nagdagdag si Jason Perkins ng 16.

Naka-6 points lang si Abueva pero may 8 rebounds, 2 assists, 2 steals at 1 block.

Exit na ang Magnolia na pinamunuan ng 17 markers ni Lee.

Makakatapat ng Phoenix sa final four umpisa sa Miyerkoles ang TNT na 104-83 winner sa Alaska sa first game sa Smart 5G-powered AUF gym.

Nagliyab muli si RR Pogoy ng 34 points, 6 of 10 mula 3-point range at 10 of 11 sa stripe na sinahugan ng 8 rebounds at 4 assists. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.