Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnolia tinungga ang Ginebra: Corpuz pumupog

0 112

Clark Smart Giga City – Kinalsuhan ng Magnolia ang 4-0 Philippine Cup start ng karibal na Ginebra sa Pampanga bubble edition ng Clasico Linggo ng gabi.

Bago ang 102-92 win kagabi ng Hotshots, inari ng Gins ang last four editions ng Manila Clasico, 15 sa last 20 kabilang ang huling 11 meetings sa elimination round.

Umpisa pa lang dikit na dikit na ang bakbakan, walang gustong magpaiwan.

Natapos ang first 12 minutes na magkabuhol sa 25-25, pumasok sa break na kipkip ng Ginebra ang manipis na 54-52 edge.

Tinapos ng Hotshots ang third quarter sa 13-2 run para agawin ang lead 78-77 papasok ng fourth.

Sa dulo ng fourth, kumalas ang Hotshots para kubrahin ang pangalawang panalo sa anim na laro.

Related Posts

Tumapos ng 20 points, 6 rebounds si Jackson Corpuz para giyahan ang Magnolia. May tig-15 pa sina Paul Lee at Mark Barroca, at 14 points, 8 rebounds kay Ian Sangalang.

Pasabog ng 24 points si Stanley Pringle pero napuwersa sa 17 turnovers ang Gins na nagresulta sa 17 points ng Hotshots.

Samantala, nakabitin pa kung tuloy o kakanselahin na rin ang laro ng NorthPort at TNT sa nightcap ng scheduled double-header sa Smart 5G-powered AUF gym mamaya.

“Depende sa result ng test, kung negative naman lahat tuloy tayo. Kung may mag-postive, cancelled,” pahayag ni commissioner Willie Marcial.

TNT ang nakalaro ng Blackwater noong Huwebes, may isang Elite na nag-positive sa COVID-19 kaya pina-test lahat ang dalawang teams. Ang player na unang nag-positive ay naka-isolate na sa Athletes Village at sumailalim muli sa confirmatory antigen at RT-PCR swab tests.

Kinansela na Linggo ang laro ng Rain or Shine at Blackwater. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.