Abante Tonite Interactive

Magnum Air makikipagtulungan sa BOC

952

Nagpahayag ng kahandaan ang kasalukuyang management ng Magnum Air (Skyjet) Inc. na maresolbahan ang isyu na may kina­laman sa 80-seater aircraft na nasabat ng Bureau of Customs (BOC).

Sa isang statement, sinabi ni Patrick Tan, CEO ng Magnum Air na nakahanda ang bagong management team na ayusin ang anumang lia­bility ng kompanya, bagama’t hindi umano dapat na kasama dito ang ipinataw na multa ng gobyerno dahil hindi na ito saklaw ng bagong pamunuan.

Idinagdag pa ni Tan na ang isyu tungkol sa kinumpiskang erop­lano ay isa lang sa mga ire­gularidad na kanilang natuklasan sa isinagawang internal complianc­e audit at corporate restructuring na nagsimula noong Dis­yembre 2016.

“The said aircraft was legally admitted upon first importation as shown by documents submitted to the BOC seizure proceedings. An internal audit result was supplied to BOC Port of Subic, prior to the warrant of seizure and detention last May 2017, wherein the current management had long submitted its intention to settle any tax and duty obligation that may be legally due on the said aircraft,” sabi pa ni Tan sa ipinalabas na statement.

Aniya, patuloy ang kooperasyon ng Skyjet sa lahat ng mga legal proceeding na isinasagawa ng BOC bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan kontra korapsyon.

Humingi sila ng paumanhin sa riding public dahil sa isyu, kasabay ng pagtiyak na ang kanilang operas­yon ay ‘fully compliant­’ at ‘duly licensed’ sa ilalim ng Manila International Airport Authority (MIAA) at sa Civil Aviation Autho­rity of the Philippines (CAAP).