Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mago lalantad uli sa Senado

0 108

Itinanggi ni Pharmally Pharmaceutical Corporation executive Krizle Grace Mago na nawawala siya o nagtatago na matapos na hindi na makontak ng Senate Blue Ribbon Committee.

Isang pahayag ang inilabas ni Mago nitong Martes kung saan nagpasalamat ito sa lahat ng nag-aalala sa kanyang kalagayan.

“Hindi po ako nawawala o nagtatago. Humihingi po ako ng pasensya kung naging out of reach po ako ng ilang araw. Kinailangan ko lang po iproseso ang lahat ng nangyayari,” aniya.

Inamin ni Mago na nahihirapan siya at hindi alam ang dapat gawin pero idiniin na walang sinoman mula sa Pharmally ang nanakot sa kanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Na prepressure ako sa lahat ng nangyayaring imbestigasyon na ito. Pero gusto ko ring malaman ng lahat na I was never threatened by anyone from Pharmally. Sa pagkakakilala ko sa kanila sa panahong nagkatrabaho kami, mabubuti silang tao,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Mago na gagawin ang lahat para patuloy na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado.

Matatandaang ilang araw matapos niyang https://beachyspharmacy.com sabihing makikipagtulungan sa Senado ay hindi na umano makontak si Mago.

Si Mago ang opisyal ng Pharmally na nagsabi na binago ang expiration date ng mga face shield na ibinenta sa gobyerno noong nakaraang taon. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.