Abante Tonite Interactive

Magpagawa ng extrajudicial settlement of estate

By
217

Dear Atty.claire,

Magtatanong lang po ako kung ano ang dapat kong gawin, kasi po may nabili akong lupa actually lupa po ng grandmother ko, nang namatay po ang lola ko sinanla po ng mga anak ito, then tinubos ko at napagdesisyunan ng mga magkakapatid na ibenta na nang tuluyan ‘yun, so ako po ang bumili pero photocopy lang po meron ako ng titulo dahil po ang original na titulo ay nawawala. Isa po sa magkakapatid ang may hawak ng photocopy. Ask ko lang po paano ko po magagawan ng original na titulo na tratransfer sa pangalan ko at ano ano po ang dapat kong gawin at kailangan mga document. Litong-lito na po kami at nanay ko kung ano gagawin namin.

Maraming salamat po,
Lorna

Lorna,

Unang dapat gawin ay magpagawa kayo ng extrajudicial setttlement of estate (ng mga namayapang may-ari) with Deed of Sale pabor sa iyo at panotaryuhan. Ayusin din kung may mga obligasyong hindi nabayaran sa amilyar (real estate tax) at malalaman mo ito kapag pumunta ka sa Assessor’s Office ng lungsod o munisipyo na may sakop sa nasabing ari-arian. Bayaran ang lahat ng hindi nabayarang amil­yar at humingi ng Tax Clearance. Kailangan din na ang extrajudicial Settlement of Estate ay mailathala o publish sa dyaryo bago bayaran ang estate tax sa BIR.

Pag nabayaran na ang BIR at magbayad na rin ng transfer tax at iba pang tax upang maiwasan ang pe­nalty.

Upang magkaroon ng kopya ng titulo ay pumunta sa Register of Deeds na may sakop sa lupa at humingi ng certified true copy ng titulo at magpalagay o annotate ng Affidavit of Loss dahil kakailanganin ito upang makapagsampa ng Petition for Issuance of Owner’s Duplicate Copy of the Title sa korte.

Iyan muna ang mga panimulang gagawin mo.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com