Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magpalamig ngayong tag-init

0 223

Sa weather bureau na PAGASA na mismo galing, maghanda na tayo sa mas mainit pang panahon sa mga susunod na linggo.

Patapos na kasi ang northeast monsoon o hanging Amihan. Ibig sabihin, mas magiging maalinsangan na ang panahon.

Dahil summer season, sure akong mabentang-mabenta ang mga palamig gaya ng softdrinks, milktea, halo-halo at ice cream. Talaga namang nakakatakam ang mga ito. Bukod sa nakaka-engganyong inumin at kainin, pamatid-uhaw rin ito ngayong tag-init.

Pero ayon sa ilang health experts, hinay-hinay lang. Mataas kasi sa sugar content ang mga nasabing palamig. Bukod pa ito sa peligrong posibleng idulot sa lalamunan kapag nasobrahan sa matatamis na pagkain. Maaari itong pagmulan ng pangangati ng lalamunan at ubo.

Payo pa ng mga doktor, huwag ding tatapat sa aircon o electric fan kapag pawis na pawis.

Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, Municipal Health Officer sa bayan ng Tanza, lalawigan ng Cavite, ‘Pag summer magsuot tayo ng mga komportableng damit, magstay sa maganda ang bentilasyon sa ating mga tahanan.’

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ngayong mainit ang panahon, mas kailangan daw palakasin ang resistensiya.

Kumain ng masusustansiyang pagkain. Uminom ng maraming tubig at magpahinga nang sapat oras para lumakas ang immune system. Hindi birong magkasakit sa gitna ng pandemya.

Dagdag pa ni Dr. Punzalan, ‘Dahil pandemya ngayon, inubo ka, sinipon ka, symptoms pa rin ‘yan ng covid-19, kaya considered suspect ka pa rin kaya panatalihin natin ang katawan na malusog.’

Sakaling makaranas ng ubo’t sipon, agad daw na mag-isolate. Ugaliin ding naka-face mask sa loob ng bahay para protektado sa virus transmission. Importante ring ipaalam sa barangay health worker ang kondisyon para maabisuhan kung kailangang isailalim sa swab test.

Ika nga ng mga medical expert, ‘prevention is better than cure’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.