Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magpinsan na alaskador sinaksak ng kainuman

0 291

Patay ang isang binata habang malubhang nasugatan ang pinsan nito, nang pagsasaksakin sila ng kanilang kainuman na napikon umano sa kanilang biruan sa Sta. Maria, Laguna.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si John Ivan Payaga Sahagun, 20, habang kritikal pa si Johnsel De Villa Payaga, 23.

Batay sa report ng Sta Maria Police, kainuman ng magpinsan ang suspek na si Jomar Dimayuga Ramos, 33, sa bahay ng mga biktima sa Brgy. Laurel, alas-10:00 Miyerkoles ng gabi.

Subalit napikon umano si Ramos dahil umano sa garapalang pagbibiro ng dalawa kaya’t bigla na lamang itong naglabas ng kustsilyo at binurdahan ng saksak ang dalawa.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek na nahaharap sa kasong homicide at frustrated homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.