Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magpinsan nagsaksakan, dedo

0 239

Kapwa nasawi ang dalawang magpinsan nang saksakin ang isa’t isa sa bayan ng Tambulig, Zamboanga del Sur noong Miyerkoles.

Namatay dahil sa tinamong mga saksak at hiwa sa katawan ang 38-anyos na biktima nang una siyang saksakin ng 21-anyos na pinsan na may diperensya umano sa pag-iisip.

Ayon kay Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente alas-10:20 ng gabi. Sinumpung umano ng sakit sa kanyang pag-iisip ang suspek at armado ng kutsilyo ay bigla na lang inatake ang natutulog na biktima at pinagsasaksak.

Bagama’t sugatan ay nakuha pang makapanlaban ng biktima at naagaw nito ang patalim sa suspek saka niya pagsasaksakin din ito.

Nakuha namang makatakbo ng suspek subalit nasawi ito dahil sa tinamong mga saksak sa katawan gayundin ang biktima na naubusan ng dugo dahil sa tinamong mga grabeng saksak sa katawan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.