Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magpinsan nasagasaan sa gilid ng kalsada

0 135

Kapwa ginagamot sa ospital ang dalawang menor de edad na magpinsan nang masagasaan ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Gen. Trias City, Cavite, Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na isang babae at isang lalaki, kapwa 13-anyos, at residente ng Gen. Trias City, Cavite na ginagamot sa Tanza Specialist Medical Center ngayon.

Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng isang motorsiklo na si Rico Aiverson, 21, ng Brgy. Osorio, Trece Martires City.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Ruelord Magbitang ng Gen. Trias City Police, minamaneho ni Aiverson ang kanyang motorsiklong Rusi 110 habang binabagtas ang kahabaan ng Bagong Kalsada Road, Brgy. Pasong Kawayan 2 sa Gen. Trias City nang aksidenteng mabangga niya ang magpinsang naglalakad sa gilid ng kalsada dakong alas-6:30 ng gabi, kamakalawa.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima sa kongkretong semento na nagresulta sa kanilang pagkakasugat.

Nabatid na walang naipakitang driver’s license at mga dokumento sa motorsiklo si Aiverson. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.