Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magpinsang paslit nalunod sa hukay

0 80

BINAWIAN ng buhay ang magpinsang paslit matapos malunod sa hinukay na bahagi ng isang ilog sa parte ng Tayum, Abra kamakalawa.

Ayon sa Tayum Police Station (TPS), hindi na kinilala ang magpinsang biktima, isang 4-anyos at 5-anyos, na parehong nakatira sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng TPS, ayon sa ina ng isa sa mga biktima, hindi nila napansin na umalis ng bahay ang magpinsan na isang lalaki at isang babae.

Base sa report, nakita na lang nila na malapit sa ginagawang hukay ang mga bisikleta ng mga bata.

Sinabi ng otoridad, maaaring naengganyong maligo sa lugar ang mga bata dahil may naipong tubig sa hukay dulot ng ulan at hindi nila alam na may kalaliman ito. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.