Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magpinsang tulak na wanted nalambat

0 268

Dinakip ng mga tauhan ng Marikina City Police-Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang magpinsang tulak na kabilang sa Top 5 at Top 9 priority data base on illegal drugs sa isang buy-bust operation kamakalawa sa Barangay Fortune, Marikina City.

Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina Police, ang mga suspek na sina Rodolfo Unarosa, Top 5 Priority Database on Illegal Drugs, 38, at Grace Joy Unarosa, 41, Top 9 Priority Database on Illegal Drugs, call center representative at kapwa taga-Barangay Fortune, Marikina City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang dalawa, alas-3:50, Lunes ng hapon, sa tapat ng kanilang bahay matapos makipagtransaksiyon ang ilang tauhan ng SDEU kasama ang SIS, IDMS Operatives, RMFB 2nd MFC Company at PDEA kung saan dinampot ang mga suspek matapos ang palitan ng droga at buy-bust money.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang limang piraso ng plastic sachet at 15 medium sized transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 80 gramo ang timbang at nagkakahalagang P544,000, shabu paraphernalia at P500 buy-bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.