Abante Tonite Interactive

Magsampa ng kaso for collection of sum of money

0 308

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Magandang araw po atty….may gusto lang po sana akong itanong..pwede ko ba ipakulong yung taong umutang sa akin ng halagang 100k po?

Ang sabi sa akin 1 week lang babalik niya pero mga 6 na buwan na po di pa rin niya ito naibabalik at puro lang sya pangako..may ginawa rin siyang kasulatan at pirmado niya nung April at maibabalik na nya ito pero wala pa rin po..gusto ko lang po mabawi ang pera namin ng asawa ko..ano po kaya ang dapat kong aksyon na gawin?
Maraming salamat po,
Jhaleene

Ms. Jhaleene,
Ang ating Constitution ay nagsasabi na walang dapat na ikulong nang dahil sa utang. Ayon sa Article III, Section 20 ng ating 1987 Constitution:
“No person shall be imprisoned for debt or non-payment of a poll tax.”

Kung may utang siya at hindi naka­kabayad ay maaari kang magsampa ng kaso for collection of sum of money at ito ay sakop ng batas natin tungkol sa “Small Claims” kung saan maaari nang magsampa ng kaso sa MTC (Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, Municipal Trial Courts and Municipal Circuit Trial Courts) ang sinumang nagnanais na makasingil ng utang sa mas mabilis at hindi magastos na pamamaraan. Hindi mangangaila­ngan ng magsasampa ng kaso ng serbisyo ng abogado dahil may ready-made or pro-forma form na makukuha sa MTC na maaari na lamang i-fill up ng magsasampa ng kaso.

Kung sa palagay mo na ang taong nangu­tang sa iyo ay tunay na manloloko at mapapatunayan mo na ang pangungutang na kanyang ginawa ay upang lamangan ka at wala naman balak na magbayad ay maaari mo siyang sampahan ng kasong estafa. Patunayan lamang na may ginamit siyang panloloko bago o habang siya ay naghihiram sa iyo ng pera. Ang estafa ay isang kasong kriminal at may kaakibat na kulong kung mapapatunayan ang fraudulent act ng taong irereklamo mo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.