Abante Tonite Interactive

Magsampa ng petition for reconstitution ng titulo

By
366

Dear Atty. Claire,

Good day po, tanong ko lang po. Ang bahay ko po ay natayo nang 2012, nabili ko po ang lupa 1,200/sq.m.

Ang bahay ko po ay 65 sq.m. Chineck ko po sa LRA ang status ng lupa is closed, closing date is Oct. 30, 2012.

Pero may binibigay po siya sa akin na resibo ng amilyar since 2012 lang po kung kelan po ako nakapagpatayo. Year 2012 below ‘di po sila nakabayad ng amil­yar.

Mawawala po ba bahay ko ‘pagka gano’n or ano po puwede mangyari? At ano po puwede kong gawin for the safety of my property? ‘Yung titulo po ayaw ipakita kesyo naanay, nawala. And pati po resibo ng amilyar parang ayaw pa ibigay. Sana po makapag-mailback po kayo.

Salamat po,
Genelyn

Ms. Genelyn,

Unang tanong ko ay kung may hawak ka bang title ng lupa? Sino at anong ahensiya ang ayaw magpakita ng titulo mo?

Dapat na ikaw   at ang Registry of Deeds kung saan dapat naka-rehistro ang lupa mo ay may kani-kaniyang copy ng titulo ng lupa.

Kung may hawak ka at ang RD ang hindi makapagpakita ng titulo ay kumuha ka ng certificate na nawawala ang titulo mo at saka ka magsampa ng Petition for Reconstitution of ­Title.

Kung ang nagbenta naman ng lupa ang hindi makapagbigay ng titulo ay medyo problema iyan.

Sa simula pa lamang ng benta­han ay dapat nakita mo na ang original na titulo at kapag nabayaran mo na nang buo ay dapat na ibigay na ang titulo sa iyo upang mailipat sa pa­ngalan mo.

Hindi mo rin naman maisasalin ang rights ng lupa at bahay kung hindi niya bayad ang amil­yar ng lupa.

Dapat ay naibigay niya sa iyo ang Tax Clearance bago mo pa binayaran siya nang buo.

Tungkol naman sa amilyar o real pro­perty tax ay dapat na mabayaran mo ‘yan upang hindi mapasubasta ng Local Government ang ari-ariang naipundar.

I hope na mayroon kang building permit at lahat ng permit na kailangan bago mo pinatayo ang bahay mo upang ma-inspect ng engineering department ng local at maitala sa Office ng Treasu­rer at Assessor’s Office.

Kung hindi mo ito nagawa ay maki­pag-ugnayan muna sa Engineering Department at ayusin lahat ang kailangang papeles upang mai-inspect at maiayos na rin ang resistor ng bahay/building sa Office of the Assessor. Bayaran lahat ang amilyar mula 2012.

Ang nakikita ko lamang na problema ay baka hindi pa nai­lipat sa pangalan mo ang lupa dahil ang sabi mo ay hindi pa binibigay sa iyo ang kopya ng titulo.  Bayaran  din ang a­milyar para sa lupa  dahil iba ito sa ­amilyar sa building o improvement.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.