Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magsasaka binaril sa binti, tsugi

0 227

Nasawi ang isang magsasaka matapos itong barilin ng hindi nakilalang salarin sa San Pablo City, Laguna Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ng San Pablo City police ang biktima na si Erwin Ferrer, residente ng Barangay Dolores.

Ayon sa pulisya, alas-12:30 ng hatinggabi, nag-iinit ng tubig sa kanyang bahay ang biktima para magkape nang paputukan ng suspek gamit ang hindi natukoy na kalibre ng baril. Tinamaan ito sa kanang binti.

Dahil naman sa layo ng lugar ng pinangyarihan ng krimen, kinailangan pa itong isakay sa kariton para madala sa barangay road kung saan ito sinundo ng ambulansya.

SM food to go Banner Ad

Subalit tuluyang nasawi ang biktima bago pa man mairating sa ospital.

Posibleng pagkaubos ng dugo ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Inaalam naman ng mga pulis kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.