Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magsasaka binaril sa dibdib ng karpintero

0 71

Patay ang isang 34-anyos na magsasaka matapos itong barilin ng kanyang kainuman nang magtalo sa hindi pa batid na bagay Sabado ng gabi sa bayan ng Cataingan, Masbate.

Dead on arrival sa Cataingan District Hospital sanhi ng isang tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Ryan Legazpino, taga-Barangay San Isidro ng nabatid na bayan.

Samantala isang manhunt operation naman ang ikinasa ng pulisya para sa agarang pagdakip sa suspek na si Mark Joseph Lobetanao, 32, karpintero, taga-Barangay Banco sa bayan ng Planas ng lalawigang ito.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente alas-8:45 ng gabi sa Barangay San Isidro.

Nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilang pang kalalakihan nang magtalo hinggil sa hindi pa mabatid na bagay ang suspek at biktima dahilan upang bunutin ng una ang kanyang baril at malapitang ipinutok sa huli bago mabilis na tumakas.

Sinubukan namang isugod sa nabatid na pagamutan ang biktima subalit idineklara na itong patay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.