Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magsasaka binoga, ginilitan ng kagalit

0 51

Binaril na pero nilaslas pa ang leeg ng isang magsasaka ng kanyang nakaalitan noong Huwebes sa gitnang bukid sakop ng Brgy. Bantug, Gabaldon, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Colonel Marvin Joe Saro, NE OIC police director, nakilala ang biktima na si Edgardo de Guzman Audar, 47, ng Brgy South Poblacion, Gabaldon.

Ika-9:30 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula kay Brgy. Secretary Mrs. Feliciany Fernadez ukol sa insidente.

Naabutan ng mga nagrespondeng pulis ang nakahadusay sa gitnang bukid na duguang bangkay ni Audar.

Sa salaysay ni Lerson de la Cruz Audar, na anak ng biktima, nakarinig ito ng dalawang putok ng baril at nakitang tinutugis ang kaniyang ama ng salaring si Edgardo de los Santos.

Nang bumagsak ito ay nakita niyang ginilitan pa ito sa leeg ni de los Santos saka mabilis na tumakas.

Hanggang ngayon ay inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.