Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magsasaka napikon sa inuman, 2 tinodas

0 66

Nauwi sa trahedya ang inuman bilang selebrasyon noong Pasko ng gabi, nang mamaril ang isang magsasaka dahil sa umano’y insulto na natanggap nito sa mga kasama sa San Narciso, Quezon.

Todas sa krimen na sina Luis Bandola, 45, at Eduardo Aborde, 34, mga residente ng Brgy. Bani, at pawang tinamaan sa ulo, habang naaresto naman at nahaharap sa kasong double murder at illegal possesion of firearm si Marlon Agad, 40.

Ayon pulisya, nasa kasagsagan ng inuman ang ilang magkakabarangay nang ininsulto umano ni Bandola ang suspek nang sabihing si Agad na lang ang walang pag-aaring lupang sakahan sa kanilang lugar na ikinagalit nito at nauwi sa pagsasagutan.

Nasa aktong inaawat ng mga kainuman ang away ng magbunot ng baril ang suspek at sunod-sunod na pinutukan ang biktima.

Nahagip din ang umaawat na si Aborde na agad ikinamatay ng mga ito. Narekober sa suspek ang walang lisensyang kalibre .45 na ginamit sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.