Abante Tonite Interactive

Magsasaka nilapa ng alagang baboy

629

Nasawi ang isang magsasaka nang atakihin at mapatay ng alaga nitong baboy sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Sa nakalap na ulat, kinilala ang biktima na si Tanny Baladjay, 58, residente ng Brgy. Progreso Weste.

Nangyari ang insidente Lunes ng hapon nang bigla umanong atakihin ng baboy ang biktima habang nag-iigib ito ng tubig. Sinubukan pa umanong tumakas ni Baladjay pero natumba ito, at tuluyang nakagat sa kanyang binti at pwet.

Nakatayo pa umano ang biktima at tuluyang nailayo sa baboy. Isinugod ito sa pagamutan dahil sa mga tinamong sugat pero hindi na ito umabot nang buhay dahil sa malubhang pagkaubos ng dugo.

Kinatay at inilibing naman ang lalaking baboy, habang palaisipan pa sa mga kaanak ng biktima bakit ito inatake ng hayop kahit pa pinakain naman ito bago ang insidente.