Abante Tonite Interactive

Magsasaka pinagtataga ng katoma

0 503

Isang magsasaka sa Brgy. Dulangan, Magdiwang, Romblon ang pinagtataga ng kanyang kainuman nitong Biyernes ng gabi, Mars0 20, sa gitna ng pagpapatupad ng curfew dahil sa enhanced community quarantine.

Kinilala ang biktima na si Fidel Robiso, 68-anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Sa report mula sa Romblon Police Provincial Office, bandang alas-9:30 ng gabi habang nakikipag-inuman ang biktima sa suspek na si Rudy Rodeo, 51, bigla na lang umanong nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.

Ilang minuto ang lumipas, nagkainitan ang dalawa at bigla na lang bumunot ng itak ang suspek at pauli-ulit na tinaga ang biktima.

Nagtamo ng mga taga sa dibdib at sa ulo ang biktima na agad namang isinugod sa Magdiwang Health Center ngunit kalauna’y inilipat sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan.

Ligtas na umano ang lagay ngayon ng biktima.

Samantala, agad na naaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad si Rodeo at nakakulong na ito ngayon sa Magdiwang Municipal Police Station. (Paul Jaysent Fos)