Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magsasaka, tagawalis tig-P100M sa lotto

0 113

Isang street sweeper mula sa Malabon at isang magsasaka mula sa Quezon ang mga bagong milyonaryo ngayong taon matapos matumpak ang mga lumabas na numero sa Mega Lotto 6/45 at Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa PCSO, kinuha na ng tagawalis at magsasaka ang kanilang premyo sa main office nila sa Mandaluyong noong June 21, 2022.

Nakuha ng street sweeper ang Mega Lotto jackpot prize na P103,269,281.60 matapos mahulaan ang winning combination na 10-12-02-27-03-18 na binola noong June 17, 2022.

Samantala, nagmula naman sa General Luna, Quezon ang Ultra Lotto 6/58 winner na magsasaka.

Nakuha niya ang P100,064,568.00 jackpot prize nang matumpak ang winning combination na 20-22-09-54-06-19, na binola noong Mayo 24, 2022. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.