Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magsasaka tinadtad ng bala

0 137

Brutal na pinatay ng mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang 27-anyos na lalaking magsasaka nang tadtarin ing bala ang katawan nito matapos mapaghinalaang informer ng militar sa Cawayan, Masbate kamakalawa.

Nagtamo ng 12 tama ng bala sa katawan si Edmond Hingco ng Brgy. Dalipe. Nakatanggap ng ulat ang Cawayan Municipal Police pasado alas-dos ng hapon hinggil sa pamamaslang sa biktima ng grupo ng NPA.

Lumalabas na ala-una madaling-araw nang magtungo ang tinatayang anim na NPA na armado ng matatas na kalibre ng baril sa bahay ng biktima at walang awa itong pinagbabaril bago tumakas. Pinaghinalaan umano ng mga NPA na asset ng militar ang biktima na dahilan ng pagkakahuli ng ilan nilang kasamahan.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng paghuli sa mga salarin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.