Magsasangla ng house & lot para pampagamot ng magulang

644

Dear Atty. Claire,

Magandang umaga po Attorney. Ako po si Marlyn. Ask ko lang po kasi naawa ako sa friend ko iyak ng iyak dahil ang father niya stage 4 cancer na.

Mayroon silang 1,200 square meter na house & lot at taniman ng palay. Gusto niya isangla para pantustos sa father niya. Paano po ‘yun dahil hindi nakapangalan sa kanya ang title. Ano po ang gagawin niya para puwede niyang isangla ang title sa bangko?

Nag-iisa lang siyang anak. Mother niya ay 70 years old na at ang father niya ay 72 na. Hindi niya alam ang gagawin niya. Natatakot siya lumapit sa abogado kasi naloko na siya ng abogado noon.

‘Yung property po ay nasa Ilocos Sur. Puwede po ba rito isangla? Attorney please give naman advice para sa kanya.

>

Salamat sa help mo sa lahat ng tao. Si Lord na bahala magbalik ng lahat sa inyo.
Gumagalang.
Marlyn

Dear Ms. Marlyn,
‘Pag nagsangla sa bangko ay siguradong maraming mga requirement na dapat na kumpletuhin kaya’t hindi biro ang pakikipagtransaksyon sa bangko.

Dahil buhay pa ang mga magulang mo sila ang may karapatan na ibenta ito o isangla. Ngunit ikaw naman ay maaaring mabigyan ng karapatan na makipag-usap at pumasok sa kasunduan ng sanglaan basta’t ikaw ay nabigyan ng mga may-ari ng ari-arian ng Special Power of Attorney (SPA) na magsangla nito.

Kapag ikaw ay may sapat ng dokumento tungkol dito ay maaari ka nang mag-apply ng loan na may real estate mortgage na kasama. Tandaan na hindi rito natatapos ang usapan dahil ang bangko ay magkakaroon ng pagsusuri tungkol sa ligalidad ng titulo at ng SPA mo. Susuriin din ang inyong kapasidad na magbayad ng utang upang matiyak kung makakabayad kayo at kung hindi man ay kung hindi ba sila malulugi sa value ng ari-arian kung sakali mang hindi kayo makakabayad.

Ang lugar kung saan isasangla ang ari-arian ay hindi naman isyu sa ligalidad ng kasunduang sanglaan. ­Kahit taga-Maynila ang tatanggap ng sangla ay walang problema. Kaya’t puwede sa Ilocos Sur o kahit saang parte ng Pilipinas ang kasunduang gagawin.
***
Kung may katangungan pa ay tumawag lang sa 4107624 o 9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...