Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magsilbing aral sa lahat

0 64

Iniulat nitong Lunes, January 4 ni Aivan Denzel Episcope, ang batambatang sportswriter ng Abante/Abante TONITE at Abante Online, na nasugatan si dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho.

Sa pagpa-prank holdup ito ng magandang 30-anyos, may taas na 5-4 at Tsinitang balibolistang tubong Maynila sa isang mall sa kapwa ABS-CBN reporter na si Jorge Cariño.

Ibinase ni Episcope ang report sa social media post ng former Petron Blaze Spikers at television host.

Nasa likuran si Ho nang biruin at magpanggap na holdaper ni Cariño sa escalator. Pero buo ang loob ng huli na siniko ang una sa tiyan para mawalan ng balanse, sumubsob sa sahig na tinukod ang kamay para masugatan.

Ang payo ni Ms. Ho? Mag-ingat sa pagpaprank lalo na aniya sa mga war-trained reporter gaya ng kasamahan.

SM food to go Banner Ad

Nirerespeto ko ang pananaw ni Gretchen.

Pero para sa akin, huwag na lang tayong mag-prank sa alanganing mga sitwasyon o lugar. Mapuwera na lang na pinagplanuhan o marami para pasayahin ang isang tao.

Mahirap na ang maaksidente sa panahong ito.

Maging aral po sa ating lahat ito.

***

Belated happy birthday kay Belinda Ignacio na nagdiwang nitong Linggo, Jan. 3. Pagbati mula sa Fernando Maria Guerrero Elementary School (Paco, Maynila) Batch 1982.

Leave A Reply

Your email address will not be published.