Abante Tonite Interactive

Magsumite ng ‘offer of payment’

By
640

Itatanong ko lang po sana tungkol sa car loan ko. Delinquent po ako ng two (2) months bank.

May tumawag na po mula sa legal office daw ng bank. Kahapon ay mag-settle sana ko for one month sa bank pero ‘di na po nila tinanggap.

Tapos po tumatawag na for repossession ng car. Ano po ba gagawin ko dahil may pambayad naman po ako at nakahanap na ako kahapon ng pambayad kaso ayaw nila tanggapin. Sana po ay matulungan niyo ako.

Marilyn

***
Dear Ms. Marilyn,

Una sa lahat ay dapat malaman mo kung ano ba ang nakalagay sa inyong kontrata. Kung ano ang nakalagay sa kontrata ay inyong susundin.

Sa ngayon ay dapat na magpadala ka ng sulat kung saan nakasaad ang ‘offer of payment’ mo para sa 2 buwan at ayaw tanggapin sa office nila at kung sakaling ‘di nila tatanggapin ay magsasampa ka ng petition for consignation ng iyong payment sa korte upang maiwasan ang paghatak ng kotse mo.

Sa nakuwento mong pamamaraan na ginagawa umano ng bank ay lumalabas na hindi makataru­ngan dahil ang pag-demand ng payment ay hindi dapat sa pa­nanakot na tulad nang sinasabi mo. Dapat ay may demand letter silang ipapadala at hindi sa phone lamang.

Sa ngayon ay maaari silang gumagawa ng kaso para sa repossession ng kotse o petition for issuance of writ of replevin ng hindi mo namamalayan.

Ang gawin mo ay pumunta ka sa Office of the Clerk of Court (Hall of Justice) ng lungsod kung saan ka nakatira o sa lungsod kung saan ang main office ng bank (check your contract of car loan) at mag-verify kung may kaso na nakasampa na sa iyo patungkol sa kot­se upang maagapan mo at makapagsampa ng ‘opposition’ dahil sa handa ka naman na magbayad.

Pero sa ngayon ay magpadala ka muna ng letter kung saan may tender of payment o offer of payment na nakalagay. Makipagtulungan sa abogado para dito.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.