Abante Tonite Interactive

Magtanim para humaba ang buhay

471

Alam niyo bang may mga taong tinatawag na nakatira sa “blue zones” na nahihiligan ang iba’t ibang libangan na tulad ng social support networks, exercises at ang pangunahing hilig nito ay pagtatanim na kung saan ay mas nag-e-enjoy sila sa pag-aalaga ng mga halaman.

Matapos ang mahabang pag-aaral ni Dan Buettner sa limang bansa para hanapin ang mga residenteng humaba ang buhay dahil sa paghahalaman, kabilang dito ang Okinawa sa Japan, Nicoya sa Costa Rica, Icaria sa Greece, Loma Linda sa California at Sardinia sa Italy.

Base naman sa kasabihan ng mga nakatatanda, kapag nagkaka-edad na ay nakakahiligan na ang pag-aalaga ng halaman. Narito ang mga benepisyong maidudulot ng paghahalaman.

Abante Hiring – IT dep

1. Elevate mood swing – Napapabago daw ng mga halaman ang mood ng isang tao. Ito ay lalo na kapag nakita niya ang kanyang mga tanim na lumalago, nagka­kabunga at matataba.

Napapagaan ng mga halaman ang pakiramdam ng isang nag-aalaga. Mas humahaba daw ang buhay ng mga mahihilig sa halaman at nakakaalis ng stress para sa physical at mental health.

Ayon sa pag-aaral ng Dutch, hinati ang mga participants sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay nasa loob lamang ng bahay at nagbabasa bilang pampaalis ng stress habang ang kabilang grupo ay pinalabas at hinayaang magtanim ng halaman. Ang kinalabasan ay mas nadagdagan ang stress ng nasa bahay lamang kumpara sa mga nasa labas na masayang nagtatanim ng halaman at sinasabing good mood sila.

Base naman sa pag-aaral ng Australian researchers, ang mga edad 60’s
at naghahalaman ay nakakabawas ng sakit ng 36% lalo na kapag may dementia. Ito ay dahil nababawasan ng kanilang labis na pag-iisip at natutuon ang pansin sa pag-aasikaso ng mga tanim, kabilang na dito ang pag-aaral sa mga may sakit na Alzheimer.

2. Let nature nurture you – Sa pamamagitan ng pagtatanim, hindi lang mababawasan ang stress kundi magkakaroon ka pa ng pisikal na aktibidad na kailangan ng katawan kabilang ang pagpapaaraw na kailangan ng katawan lalo na sa umaga at paglanghap ng hangin.

Kabilang sa mga nakatutuwang pagmasdan na pananim ay mga gulayan na tulad ng ampalaya, kamatis, sili at iba pang gulay. Ang mga halaman naman na nakakaaliw ay mga bulaklaking halaman at ang mga madadahong gulay.

3. Farming for a longer life? – Maraming sustansya ang makukuha sa pagtatanim bukod pa sa pagkain nito. Ang mga halaman ay nagtataglay ng iba’t ibang sustansya na kailangan ng katawan.

Kung magiging abala sa pagtatanim ay nababawasan nito ang stress ng katawan kasabay na mapapangalagaan pa ang katawan. (Vick Aquino)