Abante Tonite Interactive

Magtiyaga sa ulutan

By
558

Sumilip ako sa sabungan noong Linggo, ulutan kaya lamang ang mga wise at matiyaga, ganu’n nga ang nangyari dahil liyamaduhan, sa limang sultada ay isa lang ang makakalusot na dehado.

Minsan wala pa.

Hindi ko makalimutan ‘yung last fight dahil ‘yung may ari ng manok na natalo ay hinayang na hinayang sa laban ng manok niya, dahil nakauna, pilay ang kalaban at gumagapang, binubugbog ng manok niya ‘yung kalaban, pero nang mabigwasan ng isa ay groge at dapa ang manok niya.

Gusto ko sanang kausapin at sabihin na “Bakit ka lumaban sa dambuhala”, oo mga klasmeyt, kung makikita niyo lang eh kayang lunukin nu’ng liyamado ‘yung dehado.  

Mga kasabong tiyagaan sa ulutan, kung walang katapat iuwi mo ‘yung manok at bumalik sa ibang araw. Nakakahinayang talaga kapag ganu’n kasi ang tagal mong inalagaan tapos ilalagay mo lang sa bangin ang manok mo.

Sana maging aral na sa kanya ‘yung nangyari, may narinig din ako na sinabihan siya ng mga kasama niya tungkol sa pagkatalo ng manok niya.

***
Sa klasmeyt mas maganda siguro kung Linggo kayo maglaban kasi ang da­ming sabungan na puwedeng puntahan, makakapamili kayo kung saan may mga premyo kahit hackfights.