Abante Tonite Interactive

Magtulungan para sa kapayapaan

157

Dear Abante Tonite:

Maraming suliranin sa bansa ang binibigyang pansin ng gobyerno pero hindi mawaglit sa aking isipan kung bakit mahirap malusaw ang terorismo.

Bakit nga ba patuloy pa rin ang mga kilusan o armadong grupo na nagdudulot ng kaguluhan gayong buhay nila ang nakasaalang-alang dito?

Sa napabalitang engkuwentro ng mga sundalo at BIFF sa Rajah Buayan, Maguindanao, mabuti na lamang at walang namatay nang paulanan ng bala ang mga sundalo.

Tanong ko po ngayon, kailangan bang magkaroon ng ganitong pangyayari gayong iisa naman ang ating lahi? Hindi ba dapat tayong kapwa mga Pilipino ang nagtutulungan para sa kapayapaan ng sariling bansa maging ano pa man ang ating mga relihiyong pinaniniwalaan?

Siguro mas dapat nating suportahan ang mga alagad ng batas para maiwasan ang terorismong sagabal sa kaunlaran ng bansa at patuloy na nagpapalaganap ng kaguluhan.

Mark Lloyd Vergara ng TUP