Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maguindanao hinati sa 2 probinsya

0 296

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahati ng Maguindanao sa da­lawang lalawigan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos pirmahan ni Duterte ang batas na nagtatakda ng pagkakaroon ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Ang paghahati ng Maguindanao ay para mas mapabilis umano ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan ng nabanggit na lugar.

SM food to go Banner Ad

Opisyal na pinirmahan ng Pangulo nitong Miyerkoles ang paghahati sa Maguindanao bilang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na sinaksihan ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“The President listens to everyone,” ani Roque.

Gayunman, wala pang inilabas ang Malacañang ukol sa pinir­mahang dokumento ni Duterte. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.