Abante Tonite Interactive

Maguindanao mayor namakyaw ng gulay para relief aid

596

Binili ng isang alkalde sa Maguindanao ang bagong ani na gulay ng mga magsasaka sa kanilang bayan at ni-repack ang mga ito para ipamigay na relief goods sa kanyang mga kababayan na apektado ng krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura, nasa 2,000 pamilya mula sa mga barangay ng Katulim Bulalo, at Salimbao ang unang nakatanggap ng mga gulay.

Kabilang sa mga gulay na pinamigay ng alkalde ay kakabasa, sitaw, pipino, at talong.

Sabi ni Mastura, sa ganitong paraan ay natutulungan din nilang kumita ang kanilang mga magsasaka at napagkakalooban pa ng suplay ng pagkain ang mga kababayan nila.

Aniya, ipagpapatuloy niya ang pamimiling mga gulay habang pinatutupad ang community quarantine.

Mabuti aniya ito para na rin sa kaligtasan ng mga magsasaka na hindi na kailangang pumunta pa sa palengke para ibenta ang kanilang mga inaning gulay. (PNA)

Tonite – Wendys Inhouse Ad