Abante Tonite Interactive

Magulang ang may ‘K’ magbenta o magsangla

By
188

Magandang umaga po Atty.,

Ako po si Marlyn. Ask ko lang po… naawa ako sa friend ko iyak nang iyak kasi ang father n’ya stage 4 cancer na meron silang 1,200 sq. meter na house & lot at ta­niman ng palay.

Gusto n’ya isanla para pantustos sa father n’ya… Paano po ‘yun dahil hindi­ naka-name sa kanya ang title… ano po gagawin niya para pwede niyang isanla ang title sa bank.

Nag-iisa lang siyang anak. Mother niya ay 70 yrs old na at ang father niya ay 72 na… hindi niya alam gagawin niya natatakot siya lumapit sa abogado kasi naloko na siya ng abogado noon. ‘Yung pro­perty po sa Ilocos Sur… pwede po ba dito isanla?

Atty. pls po give naman advice para sa kanya. Salamat sa help mo sa lahat ng tao… Si Lord na bahala magbalik ng lahat sa inyo.

Gumagalang
Marlyn

Ms. Marlyn,

‘Pag nagsangla sa bangko ay siguradong mara­ming requirements na dapat na kumpletuhin kaya’t hindi biro ang pakikipagtransaksyon sa bangko.

Dahil buhay pa ang mga magulang­ mo sila ang may karapatan­ na ibenta ito o isangla.­

Ngunit ikaw naman­ ay maaaring mabigyan ng karapatan na makipag-usap at pumasok sa kasunduan ng sanglaan basta’t ikaw ay nabigyan ng mga may-ari ng ari-arian ng Special Power of Attorney na magsangla ng nasabing nito.

Kapag ikaw ay may sapat ng dokumento tungkol dito ay maaari ka nang mag-apply ng loan na may Real Estate Mortgage na kasama.

Tandaan na hindi rito natatapos ang usapan dahil ang bangko ay magkakaroon ng pagsusuri tungkol sa legalidad ng titulo at ng SPA mo.

Susuriin din ang inyong kapasidad na magbayad ng utang pati na ang bakue ng ari-arian­ upang matiyak kung makakabayd kayo at kung hindi man ay kung hindi ba sila malulugi sa value ng ari-arian kung sakali mang hindi kayo makakabayad.

Ang lugar kung saan isasangla ang ari-arian­ ay hindi naman isyu sa legalidad ng kasunduang sanglaan. Kahit taga-Maynila ang tatanggap ng sangla ay walang problema.

Kaya’t pwede sa Ilocos Sur o kahit saang parte ng Pilipinas ang kasunduang gagawin.

Kung may katangu­ngan pa ay tumawag lang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com