Abante Tonite Interactive

Magulang ni Carlo namanhikan kay Angelica?

0 1,403

tonite-pak-allan-dionesAng ganda ng ti­ming nu’ng pagbisita ng mga magulang ni Carlo Aquino sa bahay ni Angelica Panganiban.

Sakto sa panahong nagpo-promote ang da­ting magsyota ng movie nila.

Kilig-kiligan ang CarGel fans dahil mukhang boto ang parents ni Carlo kay Angelica. Understandable naman ‘yon dahil dati nang nagmahalan ang dalawa at may history sila together.

Obvious na close ang Mommy Amy ni Carlo kay Angge, na binigyan nito ng quick tour ng kanyang magandang house sa QC.

Hirit ng ibang mga fan, parang namamanhikan ang peg dahil may pagdalaw sa bahay ang mga magulang ni lalaki.

Wish ng mga CarGel fan na magkatulayan ang dalawa, although hanggang ngayon ay wala pa namang kumpirmasyon na nagkabalikan sina Carlo at Angelica.

Wait natin, baka sakaling umamin ang dalawa na sila na ulit at hindi lang ito promo-promo!

Dinagsa ng media ang press preview ng play na ‘M. Butterfly’ sa Maybank Performing Arts Theater sa BGN nu’ng Wednesday night.

Ngayon ang third night nito, so sana ay mas pulido na ang mga ganap sa entablado at naayos na ang mga dapat ayusin, tulad nu’ng audio na gasgas nang gasgas ang lapel mic at namamatay-matay kaya humihina-lumalakas ang boses ng aktor na nagbibitaw ng linya.

Na-appreciate namin ‘yung mga higanteng pamaypay na nag-iiba ng design at nagpapalit-palit ng background pero effort na effort ‘yung nagbubuka at nagtitiklop nito, na sana ay mas seamless ang effect.

Nakulangan kami sa French actor na si Olivier Borten na gumanap sa mahalagang papel ni René Gallimard, ang French diplomat na umibig sa Chinese opera singer na si Song Liling.

 

 

RS nagbuyangyang ng nota

 

 

Ang sabi sa ManilaBill (ang version nila ng Playbill) ay stage and screen actor na si Borten since he was 6 years old, pero ngayon ay French teacher na ito at nasa tourism industry mula nang tumira ito sa Pilipinas nu’ng 1997.

Walang nakalagay na recent theater credits si Borten, panay small roles lang sa local movies like ‘El Presidente’ ‘Baybayin’ at ‘Pagpag’.

Mukhang matagal hindi nagteatro si Borten kaya tila kinalawang na ito. Kulang sa conviction ang bitaw niya ng mga linya kaya hindi niya makuha ang atensyon namin. Ang hahaba pa naman ng monologue niya, na hindi namin sure kung tama pa ba ang mga sinasabi niya.

Ang laking bagay na magaling ang Gallimard dahil sa kanya umiikot ang istorya bukod kay Song Liling.

Si Ben Cervantes ang gumanap dito sa Dulaang UP nu’ng 1990, na napa­kahusay ayon sa mga nakapanood.

Si John Lithgow ang gumanap sa original Broadway production, si Anthony Hopkins sa West End, at si Clive Owen sa Broadway revival last year. Sa 1993 movie version ay ang galing ni Je­remy Irons as Gallimard.

Buti na lang ay hindi nagpabaya si RS Francisco, na muling namukadkad at lumipad na parang paru-paro sa papel na una niyang ginampanan 28 years ago.

Kita mong mahal na mahal ni RS ang role na ito at damang-dama niya ang pagsusuot niyang muli ng kimono, makeup at headdress ni Song Liling, na paborito niya sa lahat ng karakter na nagampanan niya sa teatro.

18-anyos lang si RS nang una niya itong gawin sa Dulaang UP, so ibang-iba na ang interpretation niya ngayon na mas mature na siya at mas marami nang karanasan.

Ang sabi sa amin ni RS ay wala siyang frontal noon, papuwet lang. This time ay buong ningning niyang ibinuyangyang ang lahat sa entablado, pero maingat ‘yung ligh­ting at may pa-shadow, kaya hindi bulgar ang dating ng nudity.

In fairness ay makikita mo ‘yung malaking pagkakaiba ng karakter ni RS nang mag-transform na siya bilang lalaki mula sa very feminine na si Song Liling.

May ilang eksenang may slight pa-comedy si RS para gumaan ang mood, na laugh naman ang audience, pero ang naalala namin ay ‘yung famous Dr. Vicki Belo karakter niya sa ‘Live AIDS’ ng UP Samaskom.

Halatang first timer sa teatro si Lee O’Brian, na gumanap bilang babae­rong best friend ni Gallimard na si Marc (at iba pang roles).

Hindi katulad ng thea­ter veteran na si Pinky Amador, as the wife of Gallimard na si Helga, na alam na alam kung paano ang tamang akting at pagpu-project ng boses sa entablado.

Eksenadora rin si Maya Encila bilang bombshell na si Renee, ang sexy Danish woman na naka-affair ni Gallimard. Maiksi pero malakas ang impact ng performance ni Maya.

Dahil ang laki ng production budget ng 2018 version ng ‘M. Butterfly’ at si Kanakan Balintagos (dating Auraeus Solito na nagdirek ng ‘Maximo Oliveros’, ‘Pisay’, atbp.) ang direktor nito ay mataas ang expectations namin dito.

‘Yung electronic invite pa lang nito ay mas mahal na sa presyo ng tiket (na ang pinakamahal ay P2,000 at ang pinakamura ay P1,000).

Sana, bukod sa pabulosang marketing,­ promo at publicity ay tinutukan din nang husto ang performance ng mga aktor sa cast lalo na ‘yung mga foreigner.

Kagabi ang gala opening nito, na ang sabi sa amin ay celebrity night, so bumaha raw ng pagkain at inumin before the show.

Produced ng Tony & Grammy-winning Pinoy producer na si Jhett Tolentino at ng Frontrow Entertainment ni RS, hanggang September 30 pa mapapanood ang ‘M. Butterfly’ na ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa charity.