Abante Tonite Interactive

Magulang nina Alessandra at Assunta nagkahiwalay sa COVID-19

0 2,659

NI: RONA RONDA

Nagtapos na ang pangungulila ng ina nina Alessandra at Assunta de Rossi na si Nenita Schiavone. Nakabalik na kasi siya ng Italya nitong Martes, March 24 para makapiling ang kanyang asawa na si Luigi Schiavone.

Pero may protocol na kailangang sundin si Mommy Nenita. Kailangan umano niyang sumailalim sa self-quarantine at social distancing sa loob ng dalawang linggo.

Ibinahagi ni Mommy Nenita ang larawan nila ng mister sa Instagram .Mapapansin ang layo ng distansya nilang dalawa.

“Oh lumapit ka, kung gusto mo akong halikan,” caption niya sa larawan na may hashtag pa na #selfquarantine at #day1.

Ang importante, mababawasan na ang pag-aalala ng de Rossi sisters dahil magkasama na muli ang kanilang magulang. Kamakailan dahil na rin sa COVID-19 outbreak sa Italya.