Abante Tonite Interactive

Magulo ang proseso

538

Maraming katanungan ang publiko sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 ­(COVID-19).

Partikular dito ang pagkandado sa Metro Manila na epektibo sa Marso 15.

Ibig sabihin, wala nang makakapasok at makakalabas ng ­Metro Manila sa nasabing petsa sa loob ng isang buwan.

Marami ang naba­bahala na nagtatrabaho sa Metro Manila pero nakatira sa kalapit probinsya.

Pero nilinaw ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na maaari namang maglabas-masok ang mga ito sa National Capital Region (NCR) at sa kanilang probinsya basta may bitbit na ID at certificate of employment kung saan nakasaad na nagtatrabaho ito sa Metro Manila.

Sana naman ay maging malinaw sa mga naatasang ma­ngasiwa sa checkpoint ang regulasyong ito.

Higit sa lahat, huwag sana ito magdulot ng kaguluhan.

Kasabay nito ay umaapela tayo sa taumbayan na maki­pagtulungan sa mga kinauukulan dahil para rin naman sa kabutihan nating lahat ang ginagawa ng pamahalaan.

Huwag tayong maging pasaway sa ganito ka-kritikal na sitwasyon.

Gawin natin ang mga inutos ng pamahalaan dahil dumaan namang lahat sa pag-aaral ang mga iniutos nilang mga hakbangin.

Kaya sa mga wala namang lakad, manatili na lamang tayo sa ating mga bahay pero tiyaking malinis upang walang tsansa ang virus na ­umeksena.

Lakipan din natin ng panalangin dahil wala nang mas magiging makapangya­rihan dito.