Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mahaba usapan sa Kobe plane crash

0 252

Higit 1,700 pages ng text messages, interview transcripts, emails at pictures ang ini-release ng National Transportation Safety Board hinggil sa flight ng helicopter na sinakyan ni Kobe Bryant at walong iba pa, kasama ang anak na si Gianna.

Palitan ng mensahe mula sa takeoff ng pilotong si Ara Zobayan sa John Wayne Airport ng 9:06 am. ng Jan. 26 hanggang hindi na makontak bandang 10 am.

Sumalpok ang helicopter sa fog-covered hillside sa Calabasas, namatay lahat ng sakay.

Papunta ang grupo ni Kobe sa Thousand Oaks dahil maglalaro ang anak na si Gianna sa Mamba Sports tournament doon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.