Abante Tonite Interactive

Mahabang ensayo ng Team ‘Pinas hiling ni Guiao sa mga PBA team

263

Kailangan ng Team Pilipinas ng mas mahabang oras ng praktis bago ang final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, kaya pakiusap ni Coach Yeng Guiao sa mga PBA team na ipahiram ang mga player ng mas mahabang panahon sa ensayo.

Lunes at Huwebes ang practice days ng Nationals, para mag-jell at maaral ng 14-man pool ang sistema ay kaila­ngan ng mas mahabang pagsasama-sama.

“We’re asking the PBA teams to be a little bit more patient. We need more time to practice,” giit ni Guiao. “From experience, hindi talaga sapat ‘yung magbe-break ‘yung PBA tapos dun ka mage-everyday, dun lang. That is about more than a week of practice, hindi talaga sasapat for them to absorb the system.”

Ipahiram lang daw ng mga team ang kani-kanilang mga player na nasa pool para sa twice-a-week na praktis.

“Hindi naman namin sinusunog ‘yan sa practice ng Gilas eh,” dagdag ng coach. “All we want is for them to walk through the plays, and for them to memorize the plays so that they’re able to jell together when game time comes.”
Minsan daw, kapag may laro sa PBA ng Miyerkoles at kinabukasan, Huwebes ang praktis ng National team ay sasabihin ng player na pagod na.

“And if they’re pla­ying naman on a Friday, ang sasabihin nila they don’t want to get burned out,” punto ni Guiao. “So, wala na magpa-praktis ng Thursday kung ganun. Ilan na lang, halos kalahati ng team and we could not practice with 6 or 7 guys. We have to practice with at least 10 to 12 guys.”

Ang hiling lang daw nila sa mga mother team ay payagan ang mga player nilang mag-ensayo ng Lunes at Huwebes para sa National team, kahit may laro bago o pagkatapos ng practice.

Sa Feb. 1 pa ang takdang dating ni naturalized Andray Blatche, injured pa sina Troy Rosario at Raymond Almazan. Si Christian Standhardinger ang back-up naturalized ni Guiao, kasama sa pool sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Mark Barroca, Paul Lee, Gabe Norwood, Poy Erram, Roger Pogoy at Jayson Castro.