Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mahabang habulan nauwi sa kamatayan

0 151

Matapos ang mahabang habulan, sa kamatayan nauwi ang isang lalaking tulak matapos makipagpalitan ng putok sa isang buy-bust operation sa Gen Trias City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Michael Sierra alias Michael, nasa listahan ng SLI pusher-user at taga-Brgy. Manggahan, City of General Trias, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Harry Culanding, ng Gen Trias City Police Station, alas-9:15 kamakalawa ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Gen Trias CPS ang operasyon sa Stateland Brgy. Manggahan, City of General Trias, Cavite kung saan target ang suspek.

SM food to go Banner Ad

Nakipagtransaksyon ang suspek sa isang poseur buyer pero nang aktong aarestuhin ito ay tumakbo ito kung saan may lusutan sa isang ilog patungo sa kabilang lugar.

Hinabol ito ng mga awtoridad pero pinaputukan ang mga sumusunod sa kanya. Pero pagsapit sa isang makipot na daan patungo sa Riverside Tropical Viilage ay gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 9mm pistol, basyo ng baril at mga bala, buy bust money, isang sling bag na naglalaman ng sachet ng shabu. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.