Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mahal pumanaw na

0 90

Sumakabilang buhay na ang sikat na midget sa showbiz na si Mahal o Noemi Tesorero in real life, kahapon, August 31. She was 46.

Kinumpirma mismo ng kanyang kapatid na si Irene Tesorero ang pagyao ni Mahal

“Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pang schedule sa kanyang burol due to covid restriction,” ang post ni Irene sa Facebook.

Kasunod nito ay dumagsa na ang pakikiramay sa Facebook page ni Mahal.

Isa sa mga unang nag-post ng pakikiramay ay si Rosanna Roces.

“Pumanaw na po si Mahal Aka noeme tesorero..isang napakalungko na balita (crying emoji). Salamat sa pagkakataong makasama at makatrabaho ka. Uwi na kay Lord Mahal,” ang post ni Osang.

Nagpahayag din ng pakikiramay si Inday Garutay. Post niya. “Paalam Mahal Noeme Tesorero, salamat sa Friendship. Mamimiss kita,” post ni Inday.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinumpirma naman ni Robin Robel ng Masculados na pneumonia ang ikinasawi ni Mahal.

Matatandaang dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang mag-viral ang pagbisita ni Mahal sa kaibigan at dating ka-loveteam na si Mura sa Bicol.

Ngangako pa si Mahal kay Mura na tutulungan niya ang kaibigan hanggang sa uugod-ugod na siya.

“Hanggang sa tumanda ako o uugod-ugod, siyempre pupunta pa rin ako rito. Para kapag may raket iaalok kita, okay! Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong kaunting naitulong sa ‘yo,” sabi ni Mahal kay Mura.

‘Yun na pala ang huli nilang pagkikita.

Matatandang tumatak si Mahal sa mga manonood dahil sa pagganap niya sa ilang mga pelikula tulad ng Kokey (1997) at Mr. Suave (2003). (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.